Sinabi kahapon ni Arum sa isang media conference na hindi niya kailangan ang basbas ng WBC sa ikatlong upakan nina Pacquiao at Morales.
"They can call it whatever they want, but Im not going to let these hardworking kids, who come with everything theyve got pay hundreds of thousands of dollars in sanctioning fees," wika ni Arum sa WBC.
Sa 44th WBC Convention sa Croatia, idineklara ng naturang boxing organization na isang final eliminator ang upakan nina Pacquiao at Morales para sa maghahamon kay Barrera, ang kasalukuyang WBC super featherweight champion.
"On the Hasim Rahman-Oleg Maskaev undercard, Humberto Soto fought. He paid sanctioning fees bacause that was an elimination fight at the same weight. So, how can there be another elimination fight?," ani Arum.
Dapat nga lamang na si Soto ang makalaban ni Barrera, ngunit gusto ng Mexican legend na muling makasagupa si Pacquiao para sa pagdedepensa niya ng kanyang korona.
Matatandaang ginulpi ni Pacquiao si Barrera sa kanilang "Peoples Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003 kung saan sumuko ang tinaguriang "Baby Assasin" sa 11th round.
Si Barrera rin ang tumalo kay Morales, binigo ni Pacquiao sa kanilang rematch noong Enero 2004 para sa WBC super featherweight championship.
"Im not worried about that right now," sagot ni Morales sa posible nilang paghaharap ni Barrera. "All Im worried about is November 18th and once that fights over then we can look at things and see whats going to happen." (Russell Cadayona)