Gayunpaman, hindi naman pinalad ang dating No. 1 na si Francisco Django Bustamante na yumuko naman kay Thomas Engert ng Germany, 10-7.
Wala sa porma ang Pinoy sa kanyang pakikipaglaban sa German ace na nagtangkang bumangon mula sa 6-7 pagkakalugmok makaraang magscratch sa kanyang break si Engert nang maistorbo ito sa pagtunog ng isang cell phone ng manonood.
Sinisipat ni Bustamante ang kanyang tira nang tumunog ang cell phone na naging dahilan upang magmintis ito at nagbigay daan kay Engert sa 8-6 abante tungo sa panalo.
Nauna rito, sa laban nina De Luna at Van den Berg sa kalapit na TV table, binuksan ng usher ang entrance sa Table 1 na pinaglalabanan nina Bustamante at Engert na naging dahilan ng pagkakagulo ng mga manonood habang pumupuntirya ang Dutchman sa crucial shot.
Sa labanan naman sa TV table 2, nagpakitanggilas si De Luna nang ipasok nito ang huling tatlong bola sa final rack at pinag-aralan ang winning shot sa 9-ball habang nagdurusa namang nanonood si Van den Berg.
Isang tagumpay na nagkumpirma ng potential ng 22 anyos na kaliweteng player na kakatawan sa bansa sa Asian Games sa Doha, Qatar sa Disyembre.
Ang ikalawang Pinoy na umabante sa round of 32 ay si Jharome Peña na tinalo ang Australian na si Louis Condo, 10-7, na isa sa masasabing pinakamalaking upset dahil si Peña ang huling qualifer na pumasok sa 128 players sa pinakaprestihiyosong pool event.
Nagpasikat din ang payat na si Ronnie Alcano, kumuha ng huling spot sa round of 64 sa pamamagitan ng 8-2 panalo kay Marcel Martensm makaraang igupo ang kababayang si Roberto Gomez, 10-1, na lumasap ng kauna-unahang kabiguan matapos ang 3-0 run sa elimination round at mapatalsik.