^

PSN Palaro

Realtors binawian ng Bulls

-
Matamis na paghihiganti ang ipinalasap ng Red Bull sa Sta. Lucia makaraang ilampaso ito, 92-73 sa Talk N Text PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Dahil sa panalong ito, ang dalawa ay kapwa magkasosyo sa unahan na may anim na panalo at dalawang talo.

Sinamantala ng Red Bull ang pagkaka-jetlag ni Kelly Williams na dumating lamang noong Martes galing sa Amerika.

Nanalasa ng husto si Rico Villanueva na kumana ng 24 puntos upang banderahan ang Bulls sa lopsided na tagumpay laban sa Realtors.

Ang naturang tagumpay ang nagbangon sa Red Bull mula sa kanilang 83-105 pagyukod sa Sta. Lucia sa kanilang unang pagtatagpo.

Maaga pa lang ay nagparamdam na ng paghihiganti ang Bulls nang sa isang bahagi ng labanan ay agad kumana ng 23-8 run para sa 47-34 tungo sa 70-42 agwat na hindi na nagawang habulin ng Sta. Lucia.

Ipinaramdam ng Red Bull ang kanilang dominasyon makaraang tapusin ang ikatlong quarter na may 27 puntos ba bentahe, 75-48.

Gayunpaman, nagsikap pa rin ang Sta. Lucia na bumangon nang sa opening ng ikaapat na canto ay agad nagpakawala ng 8-0 blast at ibaba ang kalamangan ng Red Bull sa 19 puntos, 75-56.

Ngunit, hindi nagpabaya ang mga bataan ni coach Yeng Guiao at sinigurong yun ang huling hamon na maibibigay ng Realtors nang sa pagpapahinga ni Villanueva ay uminit naman si Carlo Sharma at agad umiskor ng anim na sunod na puntos upang banderahan ang 10-4 run ng Red Bull para sa panigurong 85-60 abante.

Samantala, magsasagupa naman ngayong alas-6 ng gabi ang Welcoat Dragons (2-6) at Talk ‘N Text (4-4) sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte. 

Kasalukuyan namang naglalaban ang magkapatid na kumpanyang San Miguel Beer at Coca-Cola habang sinusulat ang balitang ito. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CARLO SHARMA

KELLY WILLIAMS

MINDANAO CIVIC CENTER

N TEXT

PHILIPPINE CUP

RED BULL

RICO VILLANUEVA

RUSSELL CADAYONA

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with