^

PSN Palaro

Bakit kapag may laro ang Ginebra lumalabas ang pera ng Pinoy?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
 Dapat na mag-ingat na ang Ginebra San Miguel mula ngayon.

Matapos silang matalo sa Purefoods last Sunday, dapat lang  siguro na maisip nila na hindi porke napakalakas ng line-up ng isang team eh tunay na napakalakas na nito maging sa performance.

At the rate they have been adding one big star after another sa line-up nila, I won’t be surprised if Ginebra will soon self-destruct.

On record, Ginebra is the most star-studded team.

Hindi na nga magkandaugaga si Coach Jong Uichico sa pag-ikot ng mga players niya, hindi na nga nagagamit yung mga mahihina sa team, heto at nagdagdag na naman sila ng isa pa sa katauhan ni Ronald Tubid.

You don’t build a team overnight.

Mahirap magbuo at magpa-solid ng isang team.

And just  when it’s about to get solid, may darating na namang isa which momentarily disrupts the build-up of solidarity. 

And when you look at it inside out, with another superstar added, napakalakas na talaga ng team. But in reality, we start to believe it is not.

I hope Barangay Ginebra stays put with what it has right now.

Tama na muna ang pagkuha pa ng players.

Kung ano man ang mayroon kayo ngayon, napakalakas na niyan and all you have to do is to build up into a one solid running team and if Ginebra is able to do that, it’s going to be unbeatable.

Please, huwag kayong mag-self destruct by adding more and more new players to the team.

Kawawa ang PBA kapag di man lang kayo nakarating sa Final Four.

And I know  you know what I meant by saying this.....
* * *
Akala ko ba walang pera ang mga Pinoy?

Nakita nyo yung dami ng tao na nanood sa Araneta Coliseum last Sunday?

Yan ba ang walang pera, susme! Full-packed. Hanggang bubong.

More then 15,000 crowd attendance.

To think na isang simpleng elimination game pa lang yan ng Barangay Ginebra.

And you can imagine the TV ratings is created.

Eh di lalo na kung makarating sa finals ang Ginebra.

Everybody happy.

At Merry Christmas talaga para sa lahat. Sa mga tindera ng sandwich, ng kendi, ng sigarilyo.

At sa kung sinu-sino pa na laging masaya basta’t naglalaro ang Ginebra. Ewan ko ba anong magic mayroon ang Ginebra! Di bale nang walang pera bukas, mapanood lang ng live ang Ginebra.

Wala daw pera ang mga Pinoy. Pero kapag may laban ang Ginebra, lumalabas ang pera.

Kaloka noh!
* * *
Our condolences to the family of former MIT Cardinal Larry Sikat who passed away a few days ago.

Si Larry ay isa sa sikat na players ng Mapua nung 1980’s at kabilang siya sa naging champion team ni Coach Charlie Badion noon para sa Mapua sa NCAA.

Larry was a very nice, jolly person. Nagkaroon nga lang siya ng sakit kaya nahinto na rin ang kanyang basketball career.

Isa sa mga teammates niya noong 1981 MIT Cardinals team ay si Coach Junel Baculi.

Nakaburol ang mga labi niya sa bahay nila sa Sampaloc.

Our prayers and condolences for a good, old friend!

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

AT MERRY CHRISTMAS

BARANGAY GINEBRA

CARDINAL LARRY SIKAT

COACH CHARLIE BADION

COACH JONG UICHICO

COACH JUNEL BACULI

GINEBRA

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with