Ganyan nga Bata!
November 6, 2006 | 12:00am
Nakalapit sa susunod na round si Ramil Gallego matapos umukit ng ikalawang sunod na tagumpay habang nanatili naman sa kontensyonan ang pangunahing pambato ng bansa na si Efren "Bata" Reyes nang makabawi ito sa kanyang masaklap na kabiguan sa pagpapatuloy ng 2006 World Pool Championship sa Philippine International Convention Center kahapon.
Natabunan ang panalo ng 40-anyos na si Gallego kay Robb Saez ng USA, 8-6, para sa pangalawang dikit na panalo nito sa Group 32 ng isa na namang makapigil hiningang laban ni Reyes na sa pagkakataong ito ay kanyang napagwagian.
Inangkin ni Reyes ang 8-7 tagumpay laban kay Radoslaw Babica ng Poland, upang makabawi sa kanyang 7-8 kabiguan kontra kay Tony Grosby ng U.S. kamakalawa sa kanyang opening match.
Tatlong bola ang pumasok sa pagsargo ni Babica sa 15th rack, tabla sa 7-all ang labanan nang magkaroon ng tira sa one-ball si Reyes matapos ang tangkang safety shot ni Babica na nagbigay daan sa clean-up ni Reyes na muntik nang masayang ang 7-5 bentahe.
Susunod na kalaban ngayon ni Gallego ay si Daryl Peach upang makasiguro sa 64-man group habang ang Thai na si Roy Apancho na nanalo sa unang laro laban kay Babica, 8-1 ang susunod na asignatura ni Reyes.
"Medyo nakaramdam din ng pressure pero naisantabi ko ito nang gumanda ang mga tumbok ko," wika ng tubong Bacolod City na si Gallego na unang nanalo kay Tepwin Arunnath ng Thailand (8-4) at kunin ang liderato sa Group 32.
Nanalo din ang isa pang Pinoy bet na si Jeff De Luna sa Group 29 kontra kay Kevin Uzzel ng England sa 8-6 iskor.
Lumasap naman ng kabiguan si Ronato Alcano na nalagay sa alanganin sa Group 28 nang yumukod ito kay Christian Reimering ng Germany sa 8-3 iskor.
Nanalo din sina Michael Schmidt at Ralf Souquet ng Germany at Marcus Chamat ng Sweden.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am