Idedepensa ni Marquez, may 45-4-1 win-loss-draw record kasama ang 34 knockouts, ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) interim feather-weight crown laban kay Jaca, ayon kay Dela Hoya.
Matatandaang nilinaw ni Salud na hindi na matutuloy ang labanang Jaca-Marquez bunga ng inaasahan niyang pagkakasama sa pangalan ni Jaca sa mga undercards sa "Grand Finale" nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Sina Salud at Jaca, nagdadala ng 27-2-1 (12 KOs) record ay hinihi-kayat ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na lu-maban sa kanilang grupo imbes na sa tropa ni Dela Hoya.
"I dont understand why he would take him and put him on a Top Rank show and pay him less money," ani Dela Hoya kay Salud sa kabila ng nauna na nilang kasun-duan sa laban nina Jaca at Marquez.
Nauna nang pinapir-ma ni Dela Hoya si Pac-quiao ng isang seven-fight contract hindi pa man naisasagawa ang "Grand Finale" na pinamamaha-laan ng Top Rank Promo-tions ni Arum.
Umaasa si Dela Hoya na hindi na guguluhin ni Arum, nagbantang magdedemenda laban kina Pacquiao at American Freddie Roach dahil sa pagpirma ng kontrata sa Golden Boy Promotions ang laban nina Jaca at Marquez.
Samantala, sakaling matuloy ang kanyang hinahangad na championship fight, ito na ang sinasabing pinakamalaking laban para kay Filipino warrior Gerry Peñalosa.
Kasalukuyang suot ni Mexican Jhonny Gonzales ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown na siya namang tinatarget ng 34-anyos na si Peñalosa matapos manalo kay dating WBO super bantamweight titlist Mauricio Martinez ng Panama noong Oktubre 21 sa El Paso, Texas.
Bukod sa 25-anyos na si Gonzales, inihahanay rin ng Golden Boy Promotions si Peñalosa kay WBO super bantamweight king Daniel Ponce De Leon.
Si Gonzales ay nanggaling sa kabiguan kay Israel Vasquez noong Setyembre mula sa isang 10-round stoppage sa paghahamon nito sa naturang World Boxing Council (WBC) super bantamweight ruler. (Russell Cadayona)