^

PSN Palaro

Dragons nasukol ng Realtors

- Mae Balbuena -
Dinagdagan ng Sta. Lucia Realty ang kanilang intensidad sa second half upang makabawi sa kanilang nakakadismayang pakita sa unang bahagi ng labanan tungo sa 89-83 panalo laban sa baguhang Welcoat Dragons sa pagpapatuloy ng eliminations ng Talk N Text PBA Philippine Cup sa San Juan Arena kagabi.

Bagamat apektado ng pag-uwi ni rookie Kelly Williams dahil sa personal na kadahilanan, nakasulong ang Realtors sa ikatlong sunod na panalo. Ikaanim sa kabuuang pitong laro na nagpatatag sa kanila sa pangkalahatang pamumuno.

Pinangunahan ni Paolo Mendoza ang SLR sa kanyang 20 puntos at 6 rebounds kasunod si Dennis Espino na may 14 puntos at 6 rebounds para sa Realtors na naglaglag sa Dragons sa 2-5 karta.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum kung saan nakatakdang magsagupa ang paboritong Barangay Ginebra at defending champion Purefoods Chunkee sa alas-6:30 ng gabi.

Sa unang pagkikita ng Gin Kings at Chunkee Giants noong October 7 sa Dumaguete City, nanaig ang Ginebra na tangka ngayon ang ikatlong sunod na panalo upang mapalawig ang 5-2 win-loss slate.

Ipaparada ng Gin Kings ang kanilang bagong player na nakuha nila mula sa Air21 kapalit ng tatlong future picks.

Sisikapin naman ng Purefoods na makabangon sa 79-87 pagkatalo laban sa San Miguel Beer na sumira sa kanilang three-game winning streak sanhi ng kanilang 4-4 kartada.

Sa unang laro, magha-harap naman ang Air21, (3-4) at ang kulelat na Alaska Aces, ganap na alas-4:05 ng hapon.

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CHUNKEE GIANTS

DENNIS ESPINO

DUMAGUETE CITY

GIN KINGS

KELLY WILLIAMS

LUCIA REALTY

PAOLO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with