Mahika ni Reyes di tumalab
November 5, 2006 | 12:00am
Hindi tumalab ang mahika ni Efren The Magician Reyes sanhi ng kanyang 7-8 kabiguan laban kay Tony Crosby ng US sa pagbubukas ng 2006 Philippine World Pool Championship sa Philippine International Convention Center kahapon, bagamat nakabangon si Reyes mula sa 4-7 pagkakabaon nang dalhin nito sa 15th rack ang laban.
Gayunpaman, umalog ang kanyang tira sa 9-ball sa corner pocket na ikinadismaya ng mga manonood at tuluyang nitong isinuko ang panalo laban sa 32 anyos na number 16 rank sa US Pro Tour na si Crosby ang malaking panalo.
Inamin naman ni Reyes na masyado itong napressure sa kanyang laro bunga ng kanyang pagkatalo ngunit may tsansa pa itong makausad sa 64-man knockout system kung mananalo ito laban sa mga susunod na laro kontra kina Radoslaw Babica ng Poland ngayon at Roy Apancho ng Indonesia sa Lunes.
"Sa bawat tira ko ay may nerbiyos na sumablay at yun nga ang nangyari sa huling tira," sabi ni Reyes.
Naging matagumpay naman sina 2004 WPC titlist Alex Pagulayan, Marlon Manalo at Francisco Bustamante sa kanilang mga laban.
Tinalo ng fourth seed na si Pagulayan si Gustavo Espinosa ng Argentina, 8-2; nangibabaw si Manalo na 5th seed laban kay Nicolas Guimond ng Canada, 8-5, habang si Bustamante ay natakasan ang kababayan na si Jharome Peña, 8-7.
Ang iba pang nabigong Pinoy ay sina Leonardo Andam, Antonio Lining, Ronato Alcano at Eduardo Villanueva.
Si Andam, na lalahok sa Asian Games ay yumuko sa 7th seed na si Ralf Souquet ng Germany, 8-4; si Lining ay umuwing talunan kay David Alcaide ng Spain, 8-4; si Alcano ay nabigo kay Luong Chi Dung ng Vietnam, 8-7; at si Villanueva ay dinurog ni Fabio Petroni ng Italy, 8-3.
Kabilang naman sa mga nasilat na seeded players ay si Rodney Morris, ang US player na 12th seed na ginulat ni Joern Kaplan ng Germany, 8-2.
Nagtala naman ng malaking tagumpay ang defending champion na 17-anyos na si Wu Chia-ching ng Chinese Taipei nang bokyain nito si Sven Pauritsch ng Germany sa 8-0 iskor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended