^

PSN Palaro

WPC sasargo ngayon

-
Sisimulan na ng mga Filipino cue artists ang kanilang kampanya sa 2006 World Pool Championship sa pangunguna nina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante at Alex ‘The Lion’ Pagulayan.

Magbubukas ngayon ang kompetisyon sa Philippine International Convention Center kung saan maglalabo-labo ang 128 top billiard players mula sa 42-bansa.

May kabuuang 21 na Pinoy ang kakampanya sa bansa, 13 nito ay nakatakdang sumabak ngayon sa apat na araw na eliminations.

Makakalaban ni Reyes ang No. 2 pick na si Tony Grosby ng U.S. sa Group Two match bilang ikalimang match sa Table 1.

"May pressure sa akin dahil ang sambayanang Filipino ay nananalig na manalo ako rito. Hindi nga lang pressure kundi kahihiyan kung sakaling matalo ako," wika ni Reyes, ang 1999 champion ng torneong ito.

Ang unang asignatura naman ng nagdedepensang si Wu Chia-ching ng Chinese Taipei ay si Sven Pauritsch ng Germany sa first match ng Table 1.

Kasunod nito ang laban ni Pagulayan kay Gustavo Espinosa ng Argentina sa Group 4 match at ang engkwentro ni Bustamante, 10th seed, sa qualifier na si Jharome Peña.

Sasabak naman sa Table 2 ang qualifier na si Ronato Alcano laban kay Luong Chi Dung ng Viet-nam sa Group 28 habang ang fifth seed na si Marlon Manalo ay makikilatisan kay Nicolas Guimond ng Canada sa Group 5 match ng Table 3.

Walo pang Pinoy ang may laban ngayon: sina Eduardo Villanueva, Ro-lando Garcia, Rodolfo Luat, Israel Rota, Roberto Gomez, Leonardo An-dam, Antonio Lining at Ramil Gallego. (Mae Balbuena)

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

CHINESE TAIPEI

EDUARDO VILLANUEVA

GROUP TWO

GUSTAVO ESPINOSA

ISRAEL ROTA

JHAROME PE

LEONARDO AN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with