Pinagpala ng kasing bilis ng football player at malaking pangangatawan, tiyak na magbibigay ng sakit ng ulo sa mga kalabang team si Ekwe, na ikalawa lamang sa manlalaro sa kasaysayan ng NCAA na kumuha ng Rookie at MVP honors nang kanyang tulungan ang San Beda College na masungkit ang NCAA titles.
Higit na mapanganib ngayon ang Magnolia sa pagkakadagdag ni Ekwe at maaga pa ay kinokonsiderang team-to-beat ang Spinners.
Pero huwag mong sasabihin kay coach Koy Banal dahil nangangamba pa rin ito sa kanyang koponan bagamat may presensiya ni Ekwe.
"We are a short team," ani Banal. "Even with Sam, if you compare us with other teams, they have a legitimate 3-man (small forward) who stands at 6-foot-4 or 6-foot-5."
Bagamat kulang sila sa celing, may ipagmamalaking shooting guards ang Magnolia sa katauhan ni Jonas Villanueva ng Far Eastern University at Bonbon Custudio ng University of the East. At masasandalan din nila si Jeff Chan, isa pang FEU star.
Hindi tulad sa nakalipas na tatlong taon kung saan dominado ng FEU Tamaraws ang roster, ang kabuuan ng Magnolia ngayon ay nakasentro sa San Beda Lions at ilang star players mula sa ibang paaralan. Ang Magnolia at San Beda ay may dalawang taong programa sa basketball.
"Were quick, but almost half of them are rookies in the PBL," ani Banal, na siya ring coach ng San Beda. "Were still working on the chemistry of the team. But its not that hard. The players that we picked have the right attitude and they can easily go well with the other players."
Sa katunayan may matatag nang starting five ang Manolia sa katauhan nina Ekwe, Custudio, Villanueva, Chan at NCAA Finals MVP Yousif Aljamal, ng San Beda.
Nasa lineup din sina shooter Pong Escobal, Ogie Menor, Alex Angeles, Riego Gamalinda at Jay-R Taganas--lahat mula sa San Beda.
Ang PBL Silver Cup ay nakatakdang magbukas sa Nobyembre 11.