Williams di kasama sa may pinakamalakas na impact sa PBA
November 2, 2006 | 12:00am
Malaking sorpresa ang hindi pagkakasama ng top Draft pick at ng manlalarong may pinakamalakas na impact sa Philippine Basketball Association sa listahan ng mga Rookie leaders sa kasalukuyang ginaganap na Talk N Text Philippine Cup.
Isang buwan matapos ang 33 games sa season-opening tournament, sumablay si Kelly Williams ang prolific forward ng Sta. Lucia sa major statistical categories para sa mga freshmen layers, maliban lamang kay Arwind Santos na maganda ang ipinapakita.
Si Santos, ang versatile guard-forward ng Far Eastrem U na hinugot ng Air21 bilang No. 2 overall pick sa Draft, ang siya ngayong bandera sa roster ng mga rookies sa scoring (15.9), rebounding (9.8) at shot blocks (1.9).
Ang Welcoat ay mayroon namang dalawang pares ng higanteng manlalaro sinaJunjun Cabatu at Jay-R Reyes na sorpresang pumangalawa at tumersera sa scoring department taglay ang averages na 12.6 at 11.1, ayon sa pagkakasunod, habang ang No. 4 pick na si Lewis Alfred Tenorio ng San Miguel ang nagpamalas ng tikas sa assists department (3.2) at assists turnover ratio (2.7).
Maging ang hindi gaanong kilalang si Chris Pacana ng Coca-Cola ay maituturing na mahusay na rookie sa ngayon sa departamento ng steals (1.2), habang si Mark Isip ng Sta. Lucia ang bandera naman sa field goal percentage (58.6%).
Ang 24-anyos na si Williams , produkto ng Oakland University sa Detroit, ay hindi man lamang nakapasok sa top 10 list ng anumang league statistical categories, gayunpaman, ang kanyang major contribution sa kampanya ng Realtors ay hindi rin matatawaran kung saan maaari siyang lumaro ng 2-3-4-5 position na isa sa naging dahilan kung bakit ang kanyang koponan ay nasa itaas ng standing.
Ang iba pang rookie na kabilang sa top 10 ay sina Tenorio, sa 2-point field goal (68.2%), Cabatu sa 3-point field goal (45.5%), Boyet Bautista ng Purefood sa free throw percentage (100%), Gabby Espinas ng San Miguel sa offensive rebounds ( 2.8) at Reyes sa most minutes played (32.6).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended