Morales sumabak na sa mabigat na sparring
November 2, 2006 | 12:00am
Matapos kantiin ni American trainer Freddie Roach, sumabak naman kahapon sa mabibigat na sparring session si Mexican great Erik Morales sa kanyang training camp sa Otomi Mountains sa Mexico City.
Isang four-round sparring ang dinaanan ng 30-anyos na si Morales laban kina Betillo Gutierrez III at Wary Beltren, Jr. sa hangaring mapalakas pa ang kanyang suntok at resistensya para sa kanilang "Grand Finale" ni Filipino boxing idol Manny Pacquiao sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
"He is definitely going for the win as what he is showing in his sparring sessions," wika ni Jose Morales, ama at trainer ng tinaguriang "El Terrible".
Kumpiyansa si Morales na makukuha niya ang weight limit na 130lbs. para sa kanilang super featherweight fight ng 27-anyos na si Pacquiao.
Sa kanyang press conference sa Mexico City, tumimbang si Morales ng 142 pounds, habang 138.7 lbs. naman si Pacquiao.
At upang matiyak na makukuha ni Morales ang 130lbs. dinoble ng Velocity Performance Team ang kanilang pagbabantay sa Mexican warrior ukol sa pagkain nito.
"I have been in boxing in many years, and never, never have I heard of a training camp like this," pagkutyang muli ni Roach kay Morales. "The word were hearing from our spies in Mexico, is that Morales cravings have become so alarming, he almost ate a 400-page biography of Milton Hershey last week."
Sa kanilang kasunduan, magbabayad si Morales kay Pacquiao ng $500,000 sakaling pumatak sa 130.1 lbs ang timbang nito at $1 milyon naman sa pagtuntong sa 132 lbs. pataas. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am