Sana magbago pa ang desisyon ni Ramirez Garcia
November 1, 2006 | 12:00am
Sa kabila ng pagkumpirma ni William "Butch" Ramirez na bababa na siya bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), umaasa pa rin si Commissioner Richie Garcia na magbabago pa ang desisyon ng una.
"We have not really known this officially, but hopefully, he will reconsider it because we need people like that in the Commission," wika kahapon ni Garcia kay Ramirez.
Matatandaang kinumpirma ng 56-anyos na si Ramirez ang pagbitiw niya sa PSC top post matapos ang ilang alingasngas ng ilang kritiko laban sa kanyang pamamahala sa komisyon.
Ayon kay Ramirez, ang pagbabalik sa Davao City bilang sports consultant ni Mayor Rodrigo Duterte ang isa sa kanyang mga opsyon.
"Malungkot kami because the chairman is doing a good job. Hes a very active chairman at talagang puno siya ng energy sa trabaho niya," ani Garcia kay Ramirez. "But as he always says, if its time to go, he has to go. Siguro mayroon siyang ibang mga agenda, ibang mga plano na gagawin so we have to respect that."
Sa ilalim ni Ramirez, isang dating Commissioner, nakuha ng Team Philippines ang overall championship sa Southeast Asian Games noong 2005 sa kauna-unahang pagkakataon sapul nang sumali ang mga Pinoy sa nasabing biennial event noong 1977 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Napaganda rin ni Ramirez ang estado ng mga national athletes kasabay ng pagpapatayo ng mga dormitoryo sa PhilSports Complex sa Pasig City.
"But until it is official, as far as Im concerned, he is still our chairman and hopefully, he will change his mind," wika ni Garcia, isa sa mga sinasabing nasa listahan bilang kapalit ni Ramirez sa PSC seat bukod kina dating Sen. Robert Jaworski, Sr., dating Philippine Olympic Committee (POC) head Celso Dayrit, dating Gintong Alay Director Michael Keon, Manila Sports Council (MASCO) chief Ali Atienza at dating PSC Commissioner Ray Roquero. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am