^

PSN Palaro

May liwanag pa ang career ni Jaca

-
Maaari pang lumiwanag ang hinaharap ni Filipino featherweight Jimrex Jaca.

Ito ay matapos ihayag ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya ang paghahamon ni Jaca kay World Boxing Organization (WBO) interim featherweight champion Juan Manuel Marquez ng Mexico sa Nobyembre 25 sa "Boxing After Dark" ng HBO.

Dahilan sa problema sa kanyang visa, hindi nakaalis si Jaca patungong El Paso, Texas kung saan niya sasagupain sana si Marquez noong Oktubre 21.

Si Marquez ay nauna nang nakaharap ni Manny Pacquiao noong Mayo ng 2004 kung saan nakakuha ito ng split decision sa dati niyang suot na WBO featherweight crown.

Dinadala ni Marquez ang 45-3-1 win-loss-draw record, tampok rito ang 34 knockouts, samantalang taglay naman ni Jaca ang 27-2-1 (12 KOs).

Naplantsa ang nasabing Marquez-Jaca fight makaraang umatras si Jesus Chavez sa kanilang sagupaan ni Julio Diaz dahilan sa isyu sa prize money.

Sakaling hindi makalabas ng kulungan sa Spain si Scott Harrison para sa kanyang pagtatanggol sa WBO featherweight title laban kay Nicky Cook sa London sa Disyembre 9, tuluyan nang makukuha ni Marquez ang korona.

At kapag nangyari ito, ipagtatanggol ni Marquez ang WBO featherweight belt kay Cook. (Russell Cadayona)

vuukle comment

BOXING AFTER DARK

EL PASO

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JACA

JESUS CHAVEZ

JIMREX JACA

JUAN MANUEL MARQUEZ

JULIO DIAZ

MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with