^

PSN Palaro

2 gintong medalya isinubi ng taga-GenSan

-
Habang tahimik ang mga atleta ng host city na Manila, lumikha ng alon ang General Santos City sa pagsusubi ng dalawang ginto sa badminton competition ng 2nd Manila Youth Games National Invitational kahapon sa San Andres Sports and Civic Center.

Matapos humataw sa athletics competition ang Manila kung saan nakakuha sila ng 24-golds, isang ginto lamang ang naisubi ngayon ng host City.

Gayunpaman, malayung-malayo pa rin ang kanilang distansiya sa pinakamalapit na kalaban patungo sa huling araw ng kompetisyon ngayon kung saan 56-golds ang paglalabanan sa taekwondo competition sa San Andres Gym din.

Ang Manila ay may 50 gold, 37 silver at 34 bronze medals sa weeklong meet na suportado ng Converse, San Miguel Corp., Tanduay, Pagcor, Super Ferry, Milo, Landbank, Metrobank, Procter and Gamble, Globe Telecoms, Spurway Enterprises, Jex Nylon Shuttles, STI-Taft, PLDT My DSL, Aktivade, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers habang ang sumusunod sa kanilang Quezon City ay may 19-21-23 gold-silver-bronzes na produksiyon.

Naghatid ng gold si Samuel Dalago sa boy’s 16-17 years old singles at doubles events katulong si Aljun Valerio sa pagtatapos ng badminton competition.

Tinalo ng 17-anyos na si Dalago si Elmo Sese VII ng Parañaque via straight sets, 21-14; 21-11 singles gold medal at nakipag-tambalan kay Valerio para igupo sina Rolly Goboy at Jake Nazareth ng Quezon City, 21-8; 21-11 sa doubles finals.

Kabilang sa top-10 ay ang Laguna Province (10-6-8), Baguio City (9-15-10), Muntinlupa (7-12-13), Candon City (7-12-7), Taguig (5-4-8), Parañaque (4-5-11), Valenzuela (3-2-3), General Santos (2-0-0), Cavite (1-2-7), Tuguegarao (1-1-2), Mandaluyong (1-0-0), Nueva Ecija (1-0-0) at Rizal (1-0-0). (Mae Balbuena)

ALJUN VALERIO

ANG MANILA

BAGUIO CITY

CANDON CITY

CITY

CONCEPT MOVERS

ELMO SESE

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with