Bulls lusot sa Dragons

Ramdam ang pagkawala ni Lordy Tugade, kinailangang bumangon ng Red Bull mula sa 17-point deficit at makipaglaban ng gitgitan sa end-game laban sa bagitong koponan ng Welcoat Paints para isulong ang 80-77 panalo kagabi sa Talk N Text PBA Philippine Cup eliminations na nagpatuloy sa Araneta Coliseum.

"No one has stepped into the shoes of Lordy yet, nag-i-struggle pa lahat," pahayag ni Red Bull coachYeng Guiao patukoy sa pagkawala ng kanilang key player sa three-way-trade noong nakaraang linggo.

Ginamit ng Bulls ang 9-0 produksiyon na sinimulan ni Mick Pennisi sa pagkonekta ng tres na nagtabla ng iskor sa 74-all, upang kunin ang 80-74 kalamangan papasok sa huling 1:08 minuto ng laban mula sa basket ni Rich Alvarez.

Nilatagan ng Red Bull ng mahigpit na depensa ang Dragons upang mai-preserba ang kanilang ikaapat na tagumpay sa anim na laro para maki-salo sa Ginebra at Talk N Text sa 4-2 kartada sa likod ng 4-1 record ng surprise leader na Sta. Lucia habang bumagsak naman ang Paint Masters sa 2-4 record.

Samantala, magpapa-tuloy ang aksiyon sa dala-wang provincial venues -- sa San Fernando, Pam-panga at sa Subic sa Zambales.

Sisikapin ng Sta. Lucia na mapanatili ang solong liderato sa pakikipagsa-gupa ng Realtors sa Talk ‘N Text sa Archbishop Cinense Gym-University of Assumption sa Pam-panga sa alas-5:00 ng hapong labanan.

Mauunang magsimula ang laro sa Subic Gym sa Zambales sa alas-4:30 ng hapon sa pagitan ng Air21 at San Miguel Beer na kapwa tangka ang ikat-long sunod na panalo.

Ikatlong sunod na panalo rin ang target ng bumabangong defending champion Purefoods Chunkee (3-3) laban sa kulelat na Alaska (1-4) na nais namang makaba-ngon sa tatlong sunod na talo, na kasalukuyang naglalaban habang sinu-sulat ang balitang ito. (Mae Balbuena)

Show comments