Ayon kay WFP president Julian Camacho, ang pag-aalis sa pangalan ni Rivera sa national wushu team ay desisyon ng national coaching staff at selection committee.
Sa kanyang puwesto sa koponan, ipinalit ng wushu federation kay Rivera si Southeast Asian Games gold medalist Rene Catalan.
"Actually, si Rene Catalan ay nasa 48-kilogram category, pero mas may experience naman siya kesa kay Benjie Rivera," wika ni Camacho sa dalawang wushu artists."Two times silang naglaban sa weight category ni Benjie, na 52-kilogram, si Rene ang nanalo.
Sa pagkakaalis ni Rivera, isang three-time sanshou world champion, sa line-up, hiniling naman ni Baguio City Rep. Mauricio Domogan sa WFP na ibalik ito.
"From 48 kilograms, kung inilipat natin si Rene Catalan sa 52 kilograms, it is more easier kaysa from 52 ibababa natin si Benjie Rivera sa 48.
Si Catalan, isang world champion sa sanshou 48kg., ang gold medalist sa 2005 Philippine SEA Games, habang hindi naman nakasama sa tropa si Rivera.
Bukod kay Rivera, nauna nang inalis ng WFP ang pangalan ni world champion at 2005 SEA Games triple-gold medal winner Arvin Ting bunga ng hindi nito pagdalo sa ensayo ng tropa. (Russell Cadayona)