Karangalan alay ni Peñalosa sa bansa
October 27, 2006 | 12:00am
Dumating ang bagong hirang na World Boxing Federation Champion na si Gerry Peñalosa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial 2, matapos nitong pabagsakin sa 9th round si Mexican boxer Mauricio Martinez sa Don Haskin Center, El Paso, Texas, USA.
Dakong alas-5:00 ng umaga nang lumapag sa NAIA ang PAL flight PR-103 galing Los Angeles, California na sinakyan ng 35-gulang na si Peñalosa kasama ang asawa nitong si Goody Lledo.
Masaya si Peñalosa nang makita niya ang mga empleyado ng airport na kumakaway at bumati sa kanya kahit na walang heros welcome na inihanda para sa kanya.
"Panibagong karangalan sa larangan ng boxing ang ibinigay ko sa Pilipinas," sabi ni Peñalosa.
Lalo pang naging masaya si Peñalosa na makita niya sa airport arrival lobby ang kanyang dalawang anak na sina Jaycee, 7-gulang, at Juliet, 4-gulang, na sumalubong sa kanya.
Noong October 21, pinabagsak ni Peñalosa ang defending WBF superflyweight champion na si Martinez sa nasabing round para makuha ng huli ang titulo.
"Kabadong-kabado ako noong una baka hindi ko siya matalo pero nagsumikap ako para pabag-sakin siya," ani Peñalosa.
Sabi ni Peñalosa, dalawang linggo lamang siya sa bansa at babalik agad sa Amerika para magsanay dahil may laban siya sa December.
Si Manny Pacman Pacquiao at Peñalosa ay parehong hinahasa at sinasanay ni Freddie Roach.
Sa ngayon, may bagong record si Peñalosa na 51-panalo, 5-talo at 2-draw kabilang ang 34-KO sa kabuuan ng 58-laban nito. (Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended