Ang pagkain ng mga press people... bow!

Naka-ugalian na yan mula noon pa na ang isang basketball league, mapa-professional man o amateur, ang nagbibigay ng merienda o dinner sa mga press people na nagku-cover ng kanilang liga.

Nakagawian na yan kaya naman kung dalawa ang laro na kinu-cover ng mga writers, after the first game ay darating na ang kanilang dinner habang may break sila going into the second game.

Ang mga writers naman, dahil bonus lang ang free merienda o dinner na ito, kailanman ay hindi nagrereklamo sa naibabahagi sa kanila no matter how much it is worth.

Pero sa PBA, may mga nagrereklamo na raw na sportswriters na nagsasabing hindi na nakakatuwa ang dumarating sa kanilang pagkain.

Madalas ay super lamig na, minsan ay matigas na, at madalas eh kakaunti pa ang ibinibigay sa kanilang pagkain.

Nitong nakaraan na coverage day, ang pagkain ay lumpiang shanghai na kay titigas na.

Nung minsan naman, tatlong pirasong longganisa na bukod sa ubod na ng lamig eh halos kasingliit na ng betl..g ng bata.

Yung iba tuloy, bumibili na lang ng sariling pagkain nila. Paano naman kasi, galing yata sa sponsors ang mga pagkaing ito, at madalas eh maaga pang dinedeliver sa coliseum.

Natural, kapag dineliver ng maaga, pag kinain na nila ito sa gabi, tiyak na kung hindi malamig eh matigas na. Isang araw, balak yatang kausapin ng mga press people si Com. Noli Eala tungkol dito.

And I’m sure Com. Eala will do something para mabigyan ito ng solusyon.

After all, napakalaki at napaka-importanteng bahagi ng PBA ang mga sportswriters na nagku-cover ng games.
* * *
Kahit na walang laro ang Ginebra San Miguel, asahan natin na magiging maganda ang attendance mamaya ng PBA games dahil sa dalawang laro ang masasaksihan ng mga basketball fans.

Magandang laban ang Sta. Lucia Realty at Red Bull. Dahil parehong maganda ang standings ng dalawang yan, asahan nating isang umaatikabong labanan ang naghihintay para sa atin.

Titingnan natin kung mami-miss ba ng Red Bull si Lordy Tugade. For the first time in many years, maglalaro ang Red Bull na wala si Lordy.

Mula pa nung nasa PBL sila, nasa kanila na si Lordy. Masakit para kay Lordy ang mawala sa Red Bull pero alam nyo naman, ganyan talaga ang buhay ng isang basketball player.

Pag natulog ka mamayang gabi, bukas paggising mo, magugulat ka na lang, iba na ang team mo.

Natandaan nyo nung kamakailan lang ay binanggit ko sa inyo ang tungkol sa nilulutong trade involving Romel Adducul at ilan pang players?

O ayan na nga, nangyari na.

Ngayon, magkasama na sa isang team sina Romel at Lordy na parehong dating naging boyfriend ng magandang aktres na si Assunta de Rossi.
* * *
Congratulations kay Coach Dindo Pumaren ng UE Warriors sa pagkapanalo nila ng Champions League laban sa San Beda Red Lions.

I’m happy for Dindo seeing him register a sweet vengeance after their UAAP failure.

Aba, maganda na rin ang pagkapanalo nila dahil may kasama yung P500,000.

Sa NCAA at UAAP, walang ganyang premyo.

Halos mapuno rin ang Rizal Memorial Coliseum dahil ang dami na namang San Beda supporters na dumating. It was a good finals’ game and in the end, UE came out the better team.

Congrats, Dindo!

Show comments