^

PSN Palaro

2 umaatikabong aksiyon sa Big Dome

-
Dalawang kapana-panabik na laro ang naka-iskedyul ngayon tampok ang engkwentro ng league leader na Talk N Text at ng bumabangong defending champion Purefoods Chunkee sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ang pakay ng Phone Pals ay maipagpatuloy ang pagkapit sa solong pamumuno bunga ng tinataglay na 4-1 win-loss slate ngunit nanganganib ito sa mainit na Chunkee Giants na tumuhog na ng dalawang sunod na panalo matapos ang kanilang 0-3 simula.

Alas-4:35 ng hapon ang sagupaan ng Talk N Text at Purefoods at susundan ito ng isa pang exciting din na laro sa pagitan ng nag-improve na Sta. Lucia Realty at ang bigating Red Bull sa alas-7:20 ng gabi.

Kumpiyansa pa rin si Gregorio sa kakayahan ng kanyang team na nagawang magtagumpay sa nakaraang kumprensiya sa likod ng maraming balakid.

Manganganak na ang asawa ni Noy Castillo, nasa ospital ang isang anak ni Jun Limpot, kamamatay lamang ng tatay ni Roger Yap at nakunan naman ang asawa ni Kerby Raymundo.

Ngunit kumpiyansa pa rin si Gregorio sa kakayahan ng kanyang team na nagawang magtagumpay sa nakaraang kumprensiya sa likod ng maraming balakid.

May partida din ang Phone Pals dahil ang ilan sa kanila ay may karamdaman.

Kailangang maipagpag ng Phone Pals kung anuman ang ‘virus’ na ito para di malaglag sa pamumuno.

Kung magtatagumpay ang Purefoods, ang mananalo sa ikalawang laro sa pagitan ng Bulls at Realtors na magkasalo sa 3-1 karta, ang magiging bagong leader. (Mae Balbuena)

ARANETA COLISEUM

CHUNKEE GIANTS

GREGORIO

JUN LIMPOT

KERBY RAYMUNDO

LUCIA REALTY

MAE BALBUENA

NOY CASTILLO

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with