Arum nagyayabang lamang
October 24, 2006 | 12:00am
Nagyayabang lamang si Bob Arum ng Top Rank ng sabihin nitong patuloy niyang pamamahalaan ang mga susunod na laban ni Manny Pacquiao pagkatapos ng Grand Finale rubber match kay Mexican Erik Morales sa Thomas and Mack Center sa Nobyembre 18.
Ito ang ipinahayag ni Eric Gomez, vice-president ng Golden Boy Promotions ni Oscar de La Hoya.
"Arum is bluffing. Hes got nothing, nothing. We are positive. Everything is good with Pacquiao and there was nothing to worry about. Nothing at all, " wika ni Gomez.
Sa isang panayam ng boxing writer na si Greg Leon noong nakaraang linggo, inihayag ni Arum na kumpiyansa itong siya pa rin ang promoter ng mga susunod pang laban ni Pacquiao.
"At the end of the day, I am convinced, win or lose, Manny Pacquiaos next fight and fights after that will be under the banner of Top Rank."
Gayunpaman, ayaw magbigay ng karagdagang impormasyon ni Arum.
"Thats all I can say. I cant say how, why, what and so forth. Thats all I can say."
Ayon pa kay Arum, na unang nagbanta na idedemenda si Pacquiao dahil sa hindi pagsunod sa specific provision ng kanyang kontrata sa November fight na hindi ito maaring pumirma ng kontrata sa ibang promoter pagkatapos ng laban, ay hindi itinuloy ang planong demanda dahil may iba itong balak. (Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended