^

PSN Palaro

Dragons walang binuga sa Express

-
Sinandalan ng Air21 ang mainit na mga kamay nina Gary David at Ronald Tubid upang makalayo laban sa bagong saltang Welcoat Paints tungo sa 110-94 panalo sa pagpapatuloy ng eliminations ng Talk N Text-PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.

Unang kumayod si David na umiskor ng siyam na puntos sa unang canto upang kontrolin ng Express ang laro at sa final quarter, kumamada naman si Tubid na humakot din ng siyam na sunod na puntos upang tuluyang iwanan ang Dragons.

Sumulong ang Air21 sa 2-3 win-loss slate at katabla na nila ngayon ang Welcoat at mga pahingang Coca-Cola at defending champion Purefoods Chunkee.

Tumapos si David ng 24 puntos, 11 nito ay sa first quarter kasunod si Tubid na may 21-points, 15 nito ay sa ikaapat na quarter lamang.

"As long as we are able to do what we do best, and that is to run, I don’t care who we play," pahayag ni Air21 coach Bo Perasol. "Tonight, we were able to defend them (Dragons) and we were able to run."

Matapos ang sunud-sunod na basket ni Tubid, lumamang ang Express sa 95-73 na hindi na nakayanan pang tibagin ng Dragons na binanderahan nina Jojo Tangkay at Rob Wainwright na tumapos ng tig-15-puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang magkapatid na kumpanyang crowd-favorite Barangay Ginebra at San Miguel. (M. Balbuena)

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

CUNETA ASTRODOME

GARY DAVID

JOJO TANGKAY

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS CHUNKEE

ROB WAINWRIGHT

RONALD TUBID

TUBID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with