-Dalawang beses pinahalik ng Cebuano warrior sa lona ang 31-anyos na si Martinez sa 1st at 4th round bago pinatigil sa 1:06 ng round nine.
Umangat sa 51-5-2 win-loss-draw ang ring record ni Peñalosa, dating World Boxing Council (WBC) super flyweight ruler, tampok rito ang 34 knockouts.
"Siyempre, nagpapasalamat ako sa kumpare kong si Manny Pacquiao dahil sa pagbibigay niya ng inspirasyon at lakas ng loob sa akin para makabalik," wika ng kaliweteng si Peñalosa.
Isinabay ng 27-anyos na si Pac-quiao sa kanyang ensayo kay Ameri-can trainer Freddie Roach si Peñalosa sa Wildcard Boxing Gym sa Los Angeles, California para sa kanyang laban kay Martinez.
Maliban kay WBO bantamweight titlist Ratanachai Sor Vorapin ng Thai-land, inaasahan ring ililinya si Peñalosa kay WBO super bantamweight king Daniel Ponce De Leon para sa isang championship fight.
Matagumpay na naidepensa ni De Leon ang kanyang korona kay Al Seeger mula sa isang 8th round stoppage para ibandera ang kanyang 30-1-0 (28 KOs). (R. Cadayona)