UE vs San Beda sa Champions League title
October 22, 2006 | 12:00am
Paglalabanan ngayon ng University of the East Red Warriors at San Beda College, dalawa sa pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng college basketball, ang titulo sa Collegiate Champions League sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang Warriors ay nagwagi na ng 16 na titulo sa UAAP habang ang Red Lions naman ay nakakolekta na ng higit sa isang dosenang titulo sa NCAA kabilang na ang titulo ngayong season.
Kapwa naamoy na ang dugo at nakikita ang mapulang digmaan sa one-game title match sa pagitan ng dalawang koponan.
"It felt good to be in the finals again," ani UE coach Dindo Pumaren. "Kahit na medyo nahirapan kami na makapag-practice ng kumpleto, nakikita ko na determinado talaga ang mga bata na makuha ang championship dito."
Minsan nang naghari ang Warriors sa liga noong 2003 kung saan naglalaro pa sina James Yap at Paul Artadi na kapwa ngayon nasa PBA na sa Purefoods Chunkee Giants.
Sa kabilang dako, tatangkain ng Red Lions na wakasan ang dominasyon ng NCAA teams sa liga.
Sila ang ikalawang koponan mula sa NCAA na umabot sa taunang torneong ito na tinatampukan ng top 16 college basketball teams sa bansa.
"We have a very competitive team," wika ni San Beda coach Koy Banal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest