^

PSN Palaro

3 pang gold inuwi ng RP wushu team

-
Kinumpleto ng maliit na si Maureen Liang ang golden double performance na tinampukan naman ng isa pang ginto ni Garry Cua na nagbigay ningning sa impresibong performance ng National wushu team sa katatapos na Second World Traditional Wushu Championships sa Zheng Zhou, China.

Dagdag pa ang gintong medalya ni Lester Pimentel sa nanquan o southern style noong Miyerkules, nag-uwi ang 4-man Philippine team ng apat na gold, tatlong silvers at bronze upang patatagin ang estado ng bansa bilang pangunahing practitioner ng naturang sports sa mundo.

"We prepared hard for this tournament but we did not expect to win four golds. This is great for wushu, I hope other will take this sport," wika ni Pimentel. "In wushu, you don’t need the height, what you need is patience and perseverance."

Sa larawan ng kumpiyansa, maganda ang naging panimula ni Liang nang magreyna ito sa animal form gamit ang mantis style.

Nangibabaw din ito sa non-conventional weapon event upang tanghaling most decorated athletes sa event na nilahukan ng 68 bansa worldwide.

Ang non-conventional weapons ay kinabibilangan ng pamaypay, bench, curret, umbrella o kahit anong magagamit na sandata para sa self-defense.

Pinagsamang bilis, lakas at husay, nanguna si Cua sa shaolin upang magningning sa mga kalabang Chinese. Pero silver lang ito sa non-conventional weapon.

Tanging si Rica Batara lamang ang Pinoy na di nanalo ng gintong medalya at makuntento na lamang sa dalawang silvers.

CUA

DAGDAG

GARRY CUA

KINUMPLETO

LESTER PIMENTEL

MAUREEN LIANG

MIYERKULES

RICA BATARA

SECOND WORLD TRADITIONAL WUSHU CHAMPIONSHIPS

ZHENG ZHOU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with