Adducul at Ildefonso: Together again
October 21, 2006 | 12:00am
Noong kalagitnaan ng Dekada Noventa, sina Rommel Adducul at Danilo Ildefonso ang pangunahing sentro sa collegiate ranks.
Si Adducul ay nakapagbigay ng limang kampeonato sa San Sebastian College Stags sa National Collegiate Athletic Association (NCAA). Kaya naman kung ipaghahambing silang dalawa ni Ildefonso, natural na sasabihin mas mahusay si Adducul.
Kasi, hindi naman natulungan ni Ildefonso na magkampeon ang National University Bulldogs na nanatiling kulelat sa University Athletic Association of the Philippines.
Nang maging miyembro nga ng national youth team na hinawakan ni Virgil Villavicencio ang dalawang itoy si Adducul ang starting center at karelyebo lang niya si Ildefonso.
Pero nagkahiwalay sila ng landas nang silay umakyat sa professional ranks. Si Ildefonso ay nagtungo sa Philippine Basketball Association at naglaro sa San Miguel Beer kung saan dalawang beses siyang nahirang na Most Valuable Player.
Si Adducul ay nagtungo naman sa Metropolitan Basketball Association kung saan siya naging marquee player at nagwagi din ng MVP award minsan.
Nang maglaho ang MBA, pumasok sa PBA si Adducul at kinuha siya ng Barangay Ginebra na natulungan naman niyang magkampeon nang dalawang beses. Pero sa buong stint niya sa Gin Kings ay hindi siya naging go-to-guy ng mga ito. Nakakatulong siya pero hindi siya ang main man. Kasi ngay kasama niya sa Barangay Ginebra sina Eric Menk at Mark Caguioa na may mas maningning na estrelya.
At bago nga nagsimula ang season na ito ay kinuha pa ng Barangay Ginebra buhat sa Coca-Cola Tigers sina Rudy Hatfield, Billy Mamaril at Rafi Reavis. Kaya naman bumaba na nang tuluyan ang playing time ni Adducul.
Para nga kasing kalabisan na siya sa frontline ng Gin Kings. Katunayan ngay nababangko pa sina Andy Seigle at sophomore Michael Holper dahil sa ang sikip sa gitna ng Barangay Ginebra.
Noong Miyerkules ng gabi ay ipinamigay ng Gin Kings si Adducul sa San Miguel Beer sa pamamagitan ng isang three-team trade at maraming nagsasabing makakabuti ito sa career ng manlalarong tinaguriang "The General." Kaya?
Hindi natin masabi dahil sa si Ildefonso pa rin ang isa sa mga mainmen ng San Miguel. Nagpapagaling nga lang siya sa injury kung kayat sa ngayon ay baka makapamayagpag si Adducul. Pero kapag naipagpag na ni Ildefonso ang injury niya, natural na siya pa rin ang pupuntahan ng Beermen. At si Adducul ang magiging back-up ngayon. Sa tutoo lang, masikip din ang gitna ng San Miguel dahil nandoon sina Dorian Peña at prized rookie Gabby Espinas.
Pero makakatulong si Adducul.
Iyan ang tiyak!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended