PCU, PUP lady spikers nagpakitang-gilas
October 21, 2006 | 12:00am
DASMARINAS, Cavite--Nalusutan ng mga standouts mula sa Philippine Christian University at Polytechnic University of the Philippines ang mahigpit na hamon ng kani-kanilang kalaban sa panimula ng 2006 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament Battle of the Champions sa sandlot ng KidzWorld Theme Park dito.
Maagang nanalasa sina Kat Villaluz at Arlene Bernardo, na naglalaro sa kanilang unang kampanya dito matapos dalhin ang PCU Lady Dolphins sa disenteng pagtatapos sa NCAA, makaraang igupo ang magkapatid na Jennifer at Jenevieve Lanuevo, 21-16.
Naipuwersa naman nina Kristine Ricana at bagong kapartner na si Pamela Ignacio ng PUP, ang kalabang Atenista na sina Misha Quimpo at Bea Pascua para sa 21-19 victory.
Dahil sa panalong ito, sila ngayon ang nangunguna sa dalawang araw na volleyfest na hatid ng Speedo, Mikasa, 7-Eleven at Asian College of Science and Technology.
Nakasama rin sina Villaluz at Bernardo sa Group A leaderboard ang NCRAA titlist na ACSAT na sina Charizza Castro at Lorna de la Cruz, na tumalo kina Dafnee Borja at Lourdes Patilano, 21-16.
Dinaig naman ng tambalang mula sa Unibersidad de Manila na sina Diane Distajo at Jennifer Halos ang pares ng Child Development na si Krizel Gepuela at information technology specialist Kaye Nasayao, 21-15, para makahabol kina Ricana at Ignacio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended