SINIGURO NI ARUM: Morales, ‘di magkaka-problema sa timbang

Tiniyak ni Top Rank Promotions chief Bob Arum na hindi magkakaroon ng problema sa kanyang timbang si Mexican great Erik Morales para sa kanilang "Grand Finale" ni Filipino idol Manny Pacquiao. 

Sa panayam ng Press Telegram.com kay Arum kahapon, sinabi nitong magdadala siya ng personal velocity trainers para tiyaking makukuha ng 30-anyos na si Morales ang weight limit na 130 pounds para sa super feather-weight division. 

"As far as I’m concerned, my A-list fighters, when they show any type of problem making weight or burning muscle to make weight, I am bringing in personal velocity trainers and they will supervise that aspect of training," ani Arum. 

Matatandaang ginusto ni Morales na lumaban sa 135 pound weight category para sa kanilang ikatlong upakan ni Pacquiao. Ngunit sa huli, pumayag na rin siya sa 130. 

Itataya ng 27-anyos na si Pacquiao ang kanyang suot na WBC International super featherweight crown laban kay Morales, tinalo niya sa kanilang rematch noong Enero ng 2006 mula sa isang 10-round stoppage.

"There is absolutely no problem," ani Arum sa timbang ni Morales. "He is in such unbelievable shape, you cannot believe. Whatever he is suppose to weight, it will be considerably under." 

Si Morales ay dating naghari sa super bantamweight, featherweight at super featherweight divisions. 

Ayon kay Arum, isang personal velocity team ang nakasama ni Morales sa kanyang ensayo sa Los Angeles at dalawa naman nang magtungo ito sa Otomi Mountain sa Mexico City. (RC)     

Show comments