"Sa tingin ko po kaya kong manalo sa tournament na yun. Pare-pareho lang naman kaming mga bata eh," pahayag ni David na panauhin sa SCOOP sa Kamayan.
Ang 16-anyos na cue artist ay ang unang Pinoy na lalahok sa torneong ito para sa top Under-19 players sa buong mundo.
"Basta gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para patunayan na tayong mga Pilipino ang pinakamagaling sa bilyar sa kahit na anong level," sabi pa ni David.
Sinuportahan ng Philippine Sports Commission sa ilalim ni chairman William Butch Ramirez, ang kampanya ni David.
"Dapat talaga nating suportahan ang batang ito (David). Alam naman natin sa bilyar malaki ang pag-asa nating manalo. Napatunayan na iyan nina Bata (Reyes) at Alex (Pagulayan) na pawang mga World 9Ball champion."
Kasama ni David na dumalo sa Scoop si Mike "Tsoke" Takayama, na nakakuha rin ng slot sa world competition makaraang magtapos bilang 18th overall sa nakaraang National Open na inorganisa ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP).
Siya ang bestplaced Under19 player sa tournament.
Nagsimulang maglaro si David ng billiards sa edad na 13 sa Candon City, Ilocos Sur kung saan nakikipaglaban ito sa mga local tournaments.
"Hindi ko rin po akalain na magiging representative po agad ako ng bansa natin sa tournament," sabi pa ni David. "Nagsimula po kasi ako puro money game lang. Ngayong taon lang po ako nakasali sa mga kumpetisyon." (Mae Balbuena)