Nakatakdang magbukas sa Mindanao divisional sa Enero ng susunod na taon, umaasa ang POF na mahihigitan nito ang mahigit sa 10,000 atleta at opisyales na kumatawan sa mahigit na 30 disciplines, kabilang ang 18 Olympic sports ng una itong idinaos.
Inihayag din ng POC ang appoitment ng img, ang worlds largest sports marketing, media at entertainment company, bilang exclusive sales and marketing agency para sa POF sa taong 2007-08 at ang Globe Telecoms bilang chief sponsor.
Idinaos din ang contract signing para sa pagpopormalisa ng partnership ng POC, img at Glove sa naturang Festival. Hinirang din ang Negros Navigation bilang isa sa mga sponsors.
Kasama ni POC president Jose Peping Cojuangco, Jr., sa signing sina Robert Aventajado, Marcus John ang senior vice-president ng img-Asia Pacific Region at Globe executives Ferdinand dela Cruz at si Dodo Reyes.
Sinabi pa ni Cojuangco na ang second POF ay magsisilbi ring bahagi ng training para sa mga potential Filipino athletes na lalahok sa susunod na taong Southeast Asian Games sa Thailand at sa Beijing Olympics sa 20-08.
Ang mga gold, silver at bronze medal winners sa ibat ibang age-division ay makakakuha ng slot sa national games kung saan makakasama nila ang mga miyembro ng national pool.
Magiging punong abala ang Lanao del Norte sa Mindanao divisional sa jan. 8-14, 2007 habang ang Visayas games ay gaganapin sa Jan. 22-28 sa Antique City. Itatanghal naman ng Camarines Sur ang Bicol/Southern Tagalog games sa Feb. 5-11, ihohost ng Ilocos Sur ang Northern Luzon regionals sa Feb. 26-March 4, habang ang NCR (National Capital Region) games ay gaganapin sa March 19-25.
Ang mga events na paglalabanan ay ang table tennis, taekwondo, athletics, baseball, boxing, shooting, basketball, archery, wrestling, cycling, football, lawn tennis, judo, fencing, canoe/kayak, gymnastics at equestrian para sa Olympic sports.
Ang mga non-Olympic sports ay ang sports climbing, dance sports, karatedo, muay thai, chess, wushu, sepak takraw, pencak silat, power-lifting, golf, bowling at arnis.