Sinabi ni national coach Stephen Fernandez na inaasahan niyang magiging maganda rin ang kampanya ng mga Filipino taekwondo jins sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar kagaya ng sa 23rd Southeast Asian Games noong 2005.
"Ito na yon talagang main event natin for this year," wika ni Fernandez. "Nagtapos tayo last year sa Southeast Asian Games and this year magtatapos naman tayo sa Asian Games."
Sa 2005 Philippine SEA Games, pumitas ang mga national taekwondo jins ng kabuuang 6 golds, 5 silver at 1 bronze medals.
"We are going for at least one gold medal dahil wala pa talaga tayong napapanalong gold medal sa Asian Games after some silver medals," ani Fernandez sa hangad ng mga jins sa 2006 Doha Asiad.
Muling aasahan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sina lightweight Donald David Geisler, bantamweight Tshomlee Go, finweight Japoy Lizardo, lightweight Toni Rivero at featherweight Elaine Alora.
Sinabi ni Fernandez na ang kompetisyon sa 2006 Doha Asiad ang siya ring inaasahang makikita sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China.
"This will also be a showcase on what will happen sa darating na 2008 Olympic Games. But of course, we are all going to give our best at pagbubutihin namin para maiangat ang Pilipinas," wika ni Fernandez. (RCadayona)