Jaca hindi takot kay Marquez
October 17, 2006 | 12:00am
Aalis ngayong umaga si Jimrex The Executioner Jaca patungong USA dala ang matibay na paniniwalang tatalunin niya ang mahusay na Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.
Ang sagupaan ng dalawa ay itinakda sa Oktubre 21 sa Don Haskins Center sa El Paso, Texas para sa WBO interim featherweight title.
"Hindi ako natatakot sa kanya," wika ni Jaca. "Pareho lang kaming boksingero at trabaho namin ito kaya tingnan na lamang natin sa laban."
Sa edad na 23 anyos, ang 57 na tubong Dumaguete City na si Jaca ay bihasa na sa laban. Mayroon na itong 30 laban at 27 rito ay kanyang ipinanalo. Ang huling nakalaban niya ay si Hector Javier Marquez bilang undercard sa Pacquiao-Larios bout nitong Hulyo 2 sa Araneta Coliseum at umiskor ito ng Technical Decision win sa ikapitong round.
Si Marquez 45 panalo sa 49 laban at ang naipagmalaki nito ay ang paghirit ng tabla kontra kay Manny Pacquiao kahit itoy natumba ng tatlong beses sa unang round.
Puspusang pagsasanay ang ginawa ni Jaca at maging ang manager nitong si Rex Wakee Salud ay naniniwalang may magandang tsansa si Jaca na gawin kay Marquez ang di nagawa ni Pacman, ang talunin ito sa laban.
"Hes ready, but Im a bit worried of the jet lag. Jimrex can win this fight if he brings his A-game with him to the US," tugon ni Salud.
Ganap na ikasiyam ng umaga ang lipad ni Jaca at ilang light workout na lamang ang nakatakda niyang gawin bago sumagupa sa masasabing pinakamabigat niyang laban sa kanyang pro ring carreer.
Ang magwawagi ay posibleng mabigyan ng pagkakataong hamunin ang mga lehitimong kampeon sa pangunguna na ni Scott Harrison na kampeon sa dibisyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended