Morales determinadong manalo kay Pacquiao
October 16, 2006 | 12:00am
Sa kabila ng pinanggalingang dalawang sunod na kabiguan, kumpiyansa pa rin si Mexican great Erik Morales na mananalo siya kay Filipino boxing idol Manny Pacquiao.
"Im still capable of winning," wika ng 30-anyos na si Morales sa panayam ng isang boxing website. "I cannot afford to lose focus on this fight and I will try to win it."
Kasalukuyang nagsasanay si Morales sa Otomi Mountain sa labas ng Mexico City para sa kanilang "Grand Finale" ng 27-anyos na si Pacquiao sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Upang maibalik ang dati niyang tikas at porma, muling kinuha ng dating three-division champion ang kanyang amang si Jose para maging personal trainer.
Unang tinalo ni Morales si Pacquiao noong Marso ng 2005 via unanimous decision bago nakabawi ang Filipino warrior sa kanilang ikalawang pagtatagpo noong Enero nitong 2006 mula sa isang 10th-round knockout.
Matapos mabigo kay Pacquiao, muling nakatikim ng pagkatalo si Morales, naghari sa super bantamweight, featherweight at super featherweight divisions, kay Zahir Raheem.
Ang nasabing kabiguan ni Morales kay Raheem ay nang bumaba siya ng timbang sa lightweight mula sa kanilang super featherweight fight ni Pacquiao.
"I loss to Manny Pacquiao because I was undertrained and not because of the attack of Manny Pacquiao. But I still believe I can beat Manny Pacquiao," ani Morales. (R. Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended