SOBRANG SOBRA NA BA ANG BASKETBALL?
October 15, 2006 | 12:00am
Naisulat ko na minsan na napakarami na ng liga ng basketbol na ginaganap sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila pa lamang. Pero hindi pa natin napag-uusapan kung ano ang nagiging epekto nito?
Halimbawa, nababawasan ba ang halaga ng bawat torneong nilalaruan ng ating mga amateur players, sa dami ng sinasalihan nila, lalo na kung iba-iba ang nananalo sa mga ito? At nananawa na ba ang mga player? Ano ba ang nagiging epekto nito sa kanilang pag-aaral?
Tingnan na lang natin ang kasalukuyang college basketball season. Nagsisimula ito ng Hulyo, at nagtatapos sa Setyembre. Anim na araw sa isang linggo, may ensayo. Bawat linggo, may laro. Mabibigat ang mga laban.
Pagkatapos ng season, may mga all-star game at exhibition game. Ngayon naman, may kasunod pang Collegiate Champions League.
May darating pang Fr. Martins Cup, at iba-ibang liga na sinasalihan ang bawat paaralan.
Sa Collegiate Champions League, natalo ang UAAP champion University of Santo Tomas, habang ang kinapos sa NCAA na Jose Rizal University naman ay nakapasok sa quarterfinals na ginanap kahapon. Marami ang nagtataka kung bakit tila nagkakabaliktad.
Ang tutoo niyan, pagod din ang mga Growling Tigers, at inaalala ang kanilang mga exam. Sa panig naman ng Heavy Bombers, kumakagat na ang sistema ni coach Ariel Vanguardia, na pumasok lamang sa team halos isang linggo bago magsimula ang NCAA.
Ang susunod na katanungan ay kung ano ang nagiging epekto nito sa pag-aaral ng mga manlalaro. Ang basketbol ay isang first-semester sport.
Subalit sa nangyayari ngayon, dumadalas ang laro, dumadami ang liga, nadadagdagan ang practice.
Ano pa ang nalalabing oras para sa pag-aaral, lalo na kung matagumpay ang isang team?
Ika nga ni Samuel L. Jackson sa pelikulang "Coach Carter", "You are a student-athlete. The student comes first." Mabuti na lamang sa kolehiyo, maaaring piliin ng mag-aaral ang kanyang kurso, dami ng unit, at pati oras ng mga klase. Kung hindi, masusunog ang mga ito sa pagod.
Sa mga susunod na isyu, sisiyasatin naman natin ang mga matataas na paaralang nagpapaulit ng estudyante para lamang mapakinabangan ito ng mas matagal sa kanilang varsity team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended