JRU, Mapua umusad sa semis

Kapwa umusad sa semis ang Jose Rizal University at Mapua matapos magwagi sa kani-kanilang kalaban sa Collegiate Champions League sa Rizal Memoiral Coliseum, kahapon.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Cardinals na makaalpas ang Ateneo Blue Eagles nang igupo nila ito sa pamamagitan ng 70-66 habang bumangon naman ang JRU Heavy Bombers tungo sa 64-58 tagumpay sa Letran College.

Pinigil ng Heavy Bombers, pinakamalaking rebelasyon sa torneo, ang Knights sa walong puntos sa unang quarter pa lamang upang agad kontrolin ang laban tungo sa panalo.

Makakalaban ng Cardinals ang bigating UAAP team na University of the East.

Sa kabilang dako naman, makakaharap ng Heavy Bombers ang NCAA king San Beda College sa semis.

Show comments