^

PSN Palaro

Pacquiao, bentahe na

- Ni Russell Cadayona -
Habang dumadaan ang araw ay napupunta kay Filipino boxing idol Manny Pacquiao ang bentahe.

 Sinabi ni Jimbo Saret, isang physical conditioning coach, sapat lamang ang ginagawang pagbabawas ng 27-anyos na si Pacquiao ng kanyang timbang para sa weight limit na 130 pounds sa super featherweight division.

 "That is really his fighting weight," ani Saret kay Pacquiao. "For him that’s an advantage because that’s where he really fights in that weight category."

 Matatandaang nahihirapan si Mexican great Erik Morales na makapasa sa nasabing timbang para sa kanilang "Grand Finale" ni Pacquiao sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

 Pinilipit ng 30-anyos na si Morales na ibaba sa 143 pounds ang kanyang bigat mula sa dating 145. 

"Erik is the one that’s having a hard time because he’s actually heavier than the weight he’s fighting in. The problem is he wasn’t training at that weight prior to the fight with Manny. When he goes to 130 the day of the fight, the physical conditioning is not gonna be the same," ani Saret sa Mexican warrior.

 Nakatakda ang weigh in nina Pacquiao at Morales sa Oktubre 18 sa Thomas & Mack Center kung saan hahayaan silang masukat sa 136 pounds para makapaghanda sa labanan sa Nobyembre 18. 

"They should be at their fighting weight maybe a week before their fight or at least one or two pounds off it," ani Saret kina Pacquiao at Morales.

ERIK MORALES

GRAND FINALE

JIMBO SARET

LAS VEGAS

MACK CENTER

NOBYEMBRE

PACQUIAO

SARET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with