Dolphins tinuhog ng Warriors

Ibinuhos lahat ng University of the East Red Warriors ang kanilang lakas sa ikaapat na quarter tungo sa 74-55 panalo laban sa Philippine Christian University Dolphins kahapon sa quarterfinals ng Collegiate Champions League sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang tagumpay ay nagdala sa Warriors sa semis.

Umiskor si Joer Canizares ng apat na sunod na puntos at nagdag naman si Mark Borboran ng basket para ibigay sa Warriors ang 55-42 abante sa kaagahan ng fourth quarter.

Sa isa pang laban, tulad ng inaasahan ipinagdiwang ng San Beda Red Lions ang pagbabalik ni Sam Ekwe sa pamamagitan ng 84-68 panalo laban sa Unversity of Visayas Green Lancers.

Show comments