Ang muling paghaharap ng landas nina Enrico Villanueva at Joseph Yeo.
Magkalaban ang teams nila pero marami ang nakatingin sa paghaharap nilang dalawa.
Ang daming pangheadlines.
Mabuhay si Senator Jinggoy Estrada na siya na ngayong BAP President.
Unanimous ang pagkakapili kay Jinggoy bilang President. Unopposed.
Noon pa man, nananalaytay na ang dugong basketball kay Jinggoy.
Napakahilig niya sa basketball at nung kasagsagan ng Jaworski days sa PBA at hindi pa siya senador, lagi mo yang makikitang naka-suporta sa Ginebra.
Ang sobrang pagmamahal niya sa basketball ay nagtulak sa kanya para magbuo ng team para sa MBA, ang San Juan Knights.
Maraming basketball players, yung iba nasa PBA pa, yung iba retirado na, ang makapagpapatunay kung gaano kabait at ka-dedicated na team manager si Jinggoy at kung paano niya minahal ang kanyang basketball team
Over the past years, silent partner siya ng basketball.
At ngayong nabigyan siya ng oportunidad na muling makatulong sa mundo ng basketball, hindi siya tumanggi.
Masaya si Joey Lina sa taong pumalit sa kanya as dedicated, as loving to the sports, and as committed to the resurrection of Phil. basketball.
Naway malaki ang maitulong ng pag-upo ni Jinggoy sa BAP. Sana nga ay magkaroon na ng magandang developments ang SBP at POC at ang BAP patungo sa eventual lifting ng suspension natin sa FIBA.
Hindi pa rin nawawala ang puwersa ng BAP sa basketball.Biruin mong lagpas sa 100 personalidad yan mula sa ibat ibang parte ng Pilipinas na sumugod sa Aloha Hotel para ipakita ang suporta nila sa BAP.
Ibig lang sabihin, buhay na buhay ang BAP.
Matatag pa rin at palaban.
Mabuhay ka, Senator Jinggoy Estrada!
Dahil nga muntik na siyang madisgrasya. Slowly but surely, nagpapakitang gilas na rin ang Sta. Lucia team.
Tournament leader na sila ngayon dahil wala pa rin silang talo matapos talunin ang San Miguel Beer.