Ito ang inihayag kahapon nina Rex "Wakee" Salud at Michael Koncz hinggil sa pag-atras ni Pacquiao, nakababatang utol ni WBC super featherweight champion Manny Pacquiao, sa kanilang upakan sana ni Peden.
"Our promoter Top Rank Promotions was unable to reach agreeable terms with the Peden camp therefore, rather than going to a purse bid with the possibility of the fight taking place in Australia the management team elected not to participate in the elimination bout," ani Koncz.
Sasagupain sana ni Pacquiao si Peden sa isang elimination bout para sa International Boxing Federation (IBF) championship fight.
Sa kabila nito, tuloy naman ang pakikipagsagupa ni Pacquiao kay Velasquez sa isang non-tile bout sa Nobyembre 16 sa Hard Rock Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada, dalawang araw bago ang "Grand Finale" naman nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Thomas & Mack Center.
Tiniyak ni Manny na susuportahan niya si Bobby sa laban nito kay Velasquez na sinabi niyang isang matinding kalaban. (Russell Cadayona)