^

PSN Palaro

RP hindi magbabawas ng delegasyon sa Doha Asiad

-
Hindi magiging problema para sa mga Filipino ang biglaang pagbabago sa patakaran ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC).

Sinabi ni Moying Martelino, chairman ng Team Philippines Secretariat, na gagamitin na lamang ng delegasyon ang sobrang bahagi ng living room ng apartment na paglalagyan sa kanila para magamit bunga ng kakulangan sa bedspace sa Athlete’s Village sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

"Ang sabi namin huwag nang bawasan ‘yung 316 bedspace pero dagdagan nila ‘yung number of extra beds," sabi ni Martelino sa kanilang pag-uusap ng mga opisyales ng DAGOC.

Matatandaang ikinainis ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang biglaang pagbabago ng patakaran ng DAGOC para sa bedspace ng national delegation sa Athlete’s Village.

Sa liham ng DAGOC sa POC, pinababawasan nito ang bilang ng mga atleta at opisyales ng Team Philippines sa 316 para magkasya sa 25 apartments na inilaan sa delegasyon.

Umabot na sa 346 ang bilang ng RP contingent para sa 2006 Doha Asiad na nakatakda sa Disyembre 1-15.

"Ang gagawin namin, iyong pinaka living dining ng apartment ay ikoconvert natin into a bedroom para ‘yung 346 natin in our peak point ay magkaroon lahat ng matutulugan," wika ni Martelino.

Ang China ang may pinakamaraming miyembro ng delegasyon para sa 2006 Doha Asiad sa bilang na 800, ayon kay Martelino. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ANG CHINA

ASIAN GAMES

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

MARTELINO

MOYING MARTELINO

PARA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RUSSELL CADAYONA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with