^

PSN Palaro

PMI dinagit ng Ateneo

-
Ibinuhos ng Ateneo de Manila University ang kanilang galit matapos matikman ang nakakadismayang kabiguan sa finals ng UAAP laban sa University of Santo Tomas, nang kanilang payukurin ang Philippine Maritime Institute Admirals, 87-73 upang isaayos ang kanilang paghaharap ng Mapua Cardinals sa quarterfinals ng Collegiate Champions League kahapon sa Ateneo Gym.

Ipinakita ng Blue Eagles kung bakit sila ang naging top seed na teams sa 16-teams field na ito sa kaagahan pa lamang ng labanan ng kanilang iwanan ang Admirals sa 44-22 deficit, matapos na ilatag ang 16-2 run na tinampukan ng tres ni Eman Monfort.

Pinangunahan ni Doug Kramer ang Blue Eagles sa kanyang tinapos na 16 puntos, bukod pa ang paghatak ng pitong rebounds, habang nag-ambag naman si Rabeh Al-Hussaini ng 15 puntos at 11 rebounds.

Nauna rito, binalewala ng Letran Knights ang pagkawala ni Boyet Bautista ng paganahin ni coach Louie Alas ang kanyang passing game upang supilin ang ilang ulit na tangkang pagbangon ng University of Cebu Webmasters at iposte ang 81-71 panalo para punan ang isa pang quarterfinal seat.

ATENEO GYM

BLUE EAGLES

BOYET BAUTISTA

COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

DOUG KRAMER

EMAN MONFORT

LETRAN KNIGHTS

LOUIE ALAS

MANILA UNIVERSITY

MAPUA CARDINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with