^

PSN Palaro

Air21 bagsak sa Sta. Lucia

-
Dahil nabigyan ng ikalawang pagkakataon ang ‘pasaway’ na player ng Sta. Lucia Realty na si Alex Cabagnot, hindi niya ito sinayang.

Bago nagsimula ang season, nagkaroon ng problema ang Realtors kay Cabagnot na muntik nang hindi nakabalik sa Sta. Lucia matapos itong illegal na naglaro sa Amerika.

Maaalala ring nahirapan din silang papirmahin si Cabagnot noong nakaraang taon matapos nilang kunin ito sa draft.

Ngunit sinuklian ni Cabagnot ang kagandahang loob na ipinakita sa kanya ng Sta. Lucia nang makipagtulungan ito kay Nelbert Omolon sa ika-apat na quarter upang ilayo ang Sta. Lucia tungo sa 96-88 panalo laban sa Air21 para sa kanilang buwenamanong panalo sa 2006-2007 season opening conference na PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Umiskor si Cabagnot ng walo sa kanyang 15 puntos na tinapos sa ikaapat na quarter upang pigilan ang paghahabol ng Air21 at sa tulong ni Omolon na kumamada ng 11 sa kanyang 16-puntos na tinapos sa fourth quarter, nanatiling naka-distansiya ang Realtors.

Lumayo ang Sta. Lucia sa 85-74 ngunit nakalapit ang Express sa 81-85. Gayunpaman, umiskor si Cabagnot ng basket at isang tres para muling dumistansiya sa 90-91 at hindi na muling lumingon pa.

Samantala, sa unang out-of-town game ng PBA sa season na ito, dadalaw ang crowd darling Barangay Ginebra at ang defending champion na Purefoods sa Dumaguete City para sa alas-5:00 ng hapong sagupaan sa Lamberto Macias Sports Center.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban para sa ikalawang sunod na panalo ang Red Bull laban sa San Miguel Beer na nagdebut naman para sa season opening conference ng 2006-2007 season. (Mae Balbuena)

ALEX CABAGNOT

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CABAGNOT

DUMAGUETE CITY

LAMBERTO MACIAS SPORTS CENTER

LUCIA REALTY

MAE BALBUENA

NELBERT OMOLON

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with