^

PSN Palaro

Cojuangco, nainis sa DAGOC

-
 Ikinainis kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang natanggap niyang sulat mula sa Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC). Sa naturang liham, ipinaalam ng DAGOC sa POC na aalisin ang bed space na ibinigay sa Philippine delegation sakaling sumobra sa 314 ang bilang ng mga atleta at opisyales para sa 15th Asian Games sa Disyembre.

"Sabi ko nga kailangan nating liwanagin mabuti ‘yung sulat dahil parang ang dating 314 ang limit sa atin," wika ni Cojuangco. "Siguro kailangan nating magreklamo kung sine-single out tayo." 

Umabot na sa 369 ang bilang ng national contingent na ipapadala para sa 2006 Doha Asiad kung saan 270 rito ay mga national athletes. 

"Ang parang dating sa sulat ay kung anong sob-rang bilang natin sa delegation, iyon rin ang ibabawas nilang bedspace," ani Cojuangco. 

Ayon kay Cojuangco, hindi inaasahan ng DAGOC na lolobo sa inaasahan nilang bilang ang mga dele-gasyong ipapadala ng mga bansang kalahok sa 2006 Doha Asiad. 

Mula sa dating 10,300, lumaki na sa 13,000 ang bilang ng mga delegasyon.

"What they were expecting siguro is a normal number of delegation per country. Nu’ng nagkaroon ng interes ‘yung mga malalapit na bansa sa kanila that it will not be as expensive to go there, kaya nagda-mihan ‘yung nagpadala," wika ng POC chief. (Russell Cadayona)  

ASIAN GAMES

AYON

COJUANGCO

DISYEMBRE

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with