Sino ang mas malakas ang alingawngaw, ang Tigers ng Santo Tomas o ang Lions ng San Beda?
Sino ang mas mahusay na liga, ang UAAP o ang NCAA?
Ito ang mga katanungang magbibigay ng excitement sa paghaharap ng mga top teams ng dalawang liga bukas sa Bantay Bata 163 All-Stars sa PhilSports Arena sa Pasig.
Pangungunahan ng MVP na si Bono ang UAAP team na kabibilangan ng kanyang mga kasama sa Mythical team na sina Jervey Cruz ng UST, JC Intal ng Ateneo, Marvin Cruz ng Univ. of the Philippines at Jeff Chan ng Far Eastern.
Ang 68 Nigerian na si Ekwe, ang NCAA MVP at Rookie of the Year na siyang susi sa tagumpay ng San Beda ang mangunguna sa NCAA squad kasama ang kanyang teammate na si Yousif Aljamal, Jason Castro ng PCU, Floyd Dedicatoria ng Jose Rizal, Khiel Misa ng Perpetual Help.
Si Pido Jarencio ng UST ang coach ng UAAP habang si Koy Banal ng San Beda ang magmamando ng NCAA.
Mauuna rito ay ang laban ng kanilang mga junior counterparts na nakatakda sa ala-una ng hapon.
Ang kikitain sa one-day event na ito ay mapupunta sa Bantay Bata 163, isang foundation na itinayo ng ABS-CBN para makatulong sa mga nangangailangang bata.
Magkakaroon ng one-day event na 2-3 ball, slam dunk competition at three-point shooting.
Ang tickets ay mabibili sa P150, P100 at P50 sa Ticket-net sa lahat ng SM, Araneta Coliseum box office, sa PhilSports Arena (ULTRA) at ABS-CBN Sports (415-2272 loc. 2844).