Marahil, naniniwala sila na si Williams ang ma-kakapagpaganda ng kanilang kapalaran at tingnan natin kung may maibibigay nga ang 6-foot-5 na si Williams.
Makikilatisan ang No.1 draft pick na si Williams sa pakikipagsagupa ng Realtors kontra sa Air21 sa debut game ng dala-wang koponang ito sa 2006-2007 season open-ing conference na Philip-pine Cup sa Araneta Coliseum.
Pinili ng Sta. Lucia si Williams laban sa two-time UAAP MVP na si Arwind Santos na siya namang No. 2 pick ng Express.
Kaya naman magan-dang panoorin kung ano ang maipapakita ng dalawang rookie players na ito kung ano ang kanilang magagawa para sa kanilang koponan.
Inaasahang maku-kumplementuhan ni Williams sina Marlou Aquino, Dennis Espino at Kenneth Duremdes para buhatin ang Realtors na nangulelat noong naka-raang season at may isang titulo pa lamang sapul nang pumasok sa PBA noong 1993.
Alas-4:35 ng hapon ang sagupaan ng Real-tors at Air21 na susundan ng engkwentro ng Red Bull na magtatangka ng ikala-wang sunod na panalo laban sa magde-debut na San Miguel Beer sa alas-7:20 ng gabing main game.
Ang Red Bull ang nakakuha ng buwenama-nong panalo sa season na ito nang kanilang igupo ang Alaska, 99-93 sa overseas game sa Guam sa pagbubukas ng liga noong Huwebes.
Kasalo ng Bulls sa 1-0 kartada ang Barangay Ginebra na nagtala ng kumbinsidong 102-67 panalo laban sa rookie team na Welcoat Paints sa pormal na pagbubukas ng liga noong Linggo kasunod ang Alaska na may 1-1 kartada.
Masusubukan din ang mga rookies na sina L.A. Tenorio at Gabby Espinas na kinuha ng San Miguel bilang No. 4 at 5th pick laban sa Red Bull na walang kinuha sa draft kayat sina Enrico Villa-nueva, Lordy Tugade, Mick Pennisi at Junthy Valenzuela pa rin ang kanilang sasandalan. (Mae Balbuena)