^

PSN Palaro

Williams kikilatisin

-
May malaking dahilan ang Sta. Lucia Realty para kalimutan ang kanilang motto na ‘pure Pinoy team’ at kunin ang Fil-Am na si Kelly Williams bilang top rookie pick noong PBA Annual Draft.

Marahil, naniniwala sila na si Williams ang ma-kakapagpaganda ng kanilang kapalaran at tingnan natin kung may maibibigay nga ang 6-foot-5 na si Williams.

Makikilatisan ang No.1 draft pick na si Williams sa pakikipagsagupa ng Realtors kontra sa Air21 sa debut game ng dala-wang koponang ito sa 2006-2007 season open-ing conference na Philip-pine Cup sa Araneta Coliseum.

Pinili ng Sta. Lucia si Williams laban sa two-time UAAP MVP na si Arwind Santos na siya namang No. 2 pick ng Express.

Kaya naman magan-dang panoorin kung ano ang maipapakita ng dalawang rookie players na ito kung ano ang kanilang magagawa para sa kanilang koponan.

Inaasahang maku-kumplementuhan ni Williams sina Marlou Aquino, Dennis Espino at Kenneth Duremdes para buhatin ang Realtors na nangulelat noong naka-raang season at may isang titulo pa lamang sapul nang pumasok sa PBA noong 1993.

Alas-4:35 ng hapon ang sagupaan ng Real-tors at Air21 na susundan ng engkwentro ng Red Bull na magtatangka ng ikala-wang sunod na panalo laban sa magde-debut na San Miguel Beer sa alas-7:20 ng gabing main game.

Ang Red Bull ang nakakuha ng buwenama-nong panalo sa season na ito nang kanilang igupo ang Alaska, 99-93 sa overseas game sa Guam sa pagbubukas ng liga noong Huwebes.

Kasalo ng Bulls sa 1-0 kartada ang Barangay Ginebra na nagtala ng kumbinsidong 102-67 panalo laban sa rookie team na Welcoat Paints sa pormal na pagbubukas ng liga noong Linggo kasunod ang Alaska na may 1-1 kartada.

Masusubukan din ang mga rookies na sina L.A. Tenorio at Gabby Espinas na kinuha ng San Miguel bilang No. 4 at 5th pick laban sa Red Bull na walang kinuha sa draft kaya’t sina Enrico Villa-nueva, Lordy Tugade, Mick Pennisi at Junthy Valenzuela pa rin ang kanilang sasandalan. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG RED BULL

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

DENNIS ESPINO

ENRICO VILLA

GABBY ESPINAS

JUNTHY VALENZUELA

KELLY WILLIAMS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with