"Bata" maglalaro para sa mga Kapampangan
October 5, 2006 | 12:00am
Lalaro si Efren Bata Reyes, ang 2006 World Open 8-Ball champion ng exhibition matches sa Oct. 7 sa isang okasyon ng Capampangan Food Festival sa Fontana Leisure Parks.
Pumayag si Bata, na isang Pampango na lumaro ng ilang exhibition matches sa Fontana bilang paraan ng kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters lalo na mula sa kanyang bayang sinilangan ang probinsiya ng Pampanga.
"Magandang pagkakataon ang imbitasyon na mag-exhibition match sa Fontana bilang pasasalamat ko sa ating mga kababayan, lalo na sa mga Kapampangan na patuloy ang suporta sa akin. Ang kinatatakot ko lang e baka masyado akong paghandaan ng mga makakalaban at lampasuhin ako," may mga ngiting pahayag ni Bata.
Makakasagupa ni Bata ang ilang kababayan mula sa Angeles at maging ang media personality na gaya nina Dyan Castillejo (ABS-CBN), Chino Trinidad (GMA-7), at Sam Nielsen (DZBB). Magkakaroon rin ang mga manonood ng pagkakataon na makalaro kung sakaling mabunot ang kani-kanilang pangalan sa cards na ira-raffle sa nasabing event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended