Coke ubos sa Aces
October 5, 2006 | 12:00am
Sa tingin ni Alaska coach Tim Cone, palaban ang kanyang team.
Hindi ito nakita sa debut game nng Alaska ngunit kagabi, binigyang katotohanan ng Aces ang opinyon ng kanilang coach.
Nanguna pa rin si Willie Miller para sa Alaska sa pagkamada ng 26-puntos ngunit sa pagkakataong ito ay mas maraming suporta itong nakuha mula sa kanyang mga kasamahan tungo sa 99-84 panalo kontra sa batang team ng Coca-Cola sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Kumamada si Miller ng 12-puntos sa ikaapat na canto upang pigilan ang paghahabol ng Coke.
Natabunan ng panalong ito ang 93-99 kabiguan ng Aces sa season opening game laban sa Red Bull sa overseasgame sa Guam para sumulong sa 1-1 panalo-talo sa likod ng Bulls at Barangay Ginebra na magkahanay sa 1-0 kartada.
"That Red Bull game shook us a little bit," pahayag ni Cone. "We feel we are a good team but we didnt play well against Red Bull and we played better today."
Nagbida si Mike Cortez sa first half sa pagkamada ng 15-puntos upang ihatid ang Alaska sa 47-32 kalamangan bago iposte ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 89-73, papasok sa huling 3:50 minuto ng labanan.
Pinakaba ng Tigers ang Alaska nang kanilang ibaba sa anim na puntos ang kanilang distansiya, 75-69 sa kaagahan ng final canto ngunit hindi na nila ito nasustinihan.
Katulong ni Miller sina Mike Cortez na may 23-puntos at Jeffrey Cariaso na may 17 markers at sumuporta din si Nic Belasco sa tinapos na 13-points.
Nagbida si John Arrigo para sa Tigers sa kanyang tinapos na 26-puntos ngunit tanging si Ali Peek lamang ang kasama niyang naka-double digit na may 15-markers para makahanay ang Welcoat Pants na talunan sa debut game.
Nagsasagupa pa ang defending champion Purefoods Chunkee at ang Talk N Text sa main game habang sinusulat ang balitang ito. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended