Naipanalo ni Luat ang siyam na matches kabilang ang mga makapigil hiningang 11-10 panalo kay Robb Saez at Gabe Owen ng winners bracket ngunit ang lahat nang ito ay nagtapos lamang sa runner-up finish matapos malasap ang 6-11 kabiguan kontra kay Schmidt sa finals.
Inangkin ni Schmidt ang koro-nang nakawala kay Alex Pagula-yan na nasibak sa kaagahan pa lamang ng torneo at ibinulsa nito ang champions purse na US$40,000 habang nagkasya naman si Luat sa runner-up prize na US$15,000.
Maagang nakakuha ng advan-tage si Luat, 4-2 ngunit naipanalo ni Schmidt ang limang sunod na games upang makalayo sa 7-4 at wala nang naging problema ito tungo sa kanyang tagumpay.
Matapos masibak si Schmidt sa ikalimang round ng winners bracket ni David Broxson, nagtala ito ng anim na sunod na panalo upang makabangon sa losers side kung saan naging biktima nito ang mga Pinoy na sina Ronnie Alcano, 11-8 at Antonio Gabica, 11-4 na si-nundan nito ng 11-5 pamamayani kay Robb Saez. (MBalbuena)