^

PSN Palaro

Luat, binigo ni Schmidt sa titulo

-
Hindi naging madali para kay Rodolfo Boy Luat na makarating sa finals matapos ang dalawang sunod na makapigil hiningang panalo ngunit sinira lamang ito ni John Schmidt nang kanyang talunin ang Pinoy cue artist sa kanilang championship match upang makopo ang titulo sa 2006 9-Ball US Open na nagtapos sa Chesapeak Convention Center sa Virginia kahapon.

Naipanalo ni Luat ang siyam na matches kabilang ang mga makapigil hiningang 11-10 panalo kay Robb Saez  at Gabe Owen ng winners bracket ngunit ang lahat nang ito ay nagtapos lamang sa runner-up finish matapos malasap ang 6-11 kabiguan kontra kay Schmidt sa finals.

Inangkin ni Schmidt ang koro-nang nakawala kay Alex Pagula-yan na nasibak sa kaagahan pa lamang ng torneo at ibinulsa nito ang champions purse na US$40,000 habang nagkasya naman si Luat sa runner-up prize na US$15,000.

Maagang nakakuha ng advan-tage si Luat, 4-2 ngunit naipanalo ni Schmidt ang limang sunod na games upang makalayo sa 7-4 at wala nang naging problema ito tungo sa kanyang tagumpay.

Matapos masibak si Schmidt sa ikalimang round ng winner’s bracket ni David Broxson, nagtala ito ng anim na sunod na panalo upang makabangon sa losers side kung saan naging biktima nito ang mga Pinoy na sina Ronnie Alcano, 11-8 at Antonio Gabica, 11-4 na si-nundan nito ng 11-5 pamamayani kay Robb Saez. (MBalbuena)

ALEX PAGULA

ANTONIO GABICA

CHESAPEAK CONVENTION CENTER

DAVID BROXSON

GABE OWEN

JOHN SCHMIDT

LUAT

PINOY

ROBB SAEZ

SCHMIDT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with